Mga Awit 145:8-9
8Si Yahweh'y mapagmahal at puno ng habag, hindi madaling magalit, ang pag-ibig ay wagas. 9Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi.

Jeremias 29:11-14
11Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa. 12Kung maganap na ito, kayo'y tatawag, lalapit, at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo. 13Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin. 14Oo, ako'y matatagpuan ninyo, sabi ni Yahweh, at ibabalik ko ang inyong mga kayamanan. Titipunin ko kayo mula sa lahat ng bansa at pook na pinagdalhan ko sa inyo, at ibabalik sa dakong pinagmulan ninyo bago kayo nabihag.

Mateo‬ ‭6:31-33‬
31“Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. 33Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.”

Santiago 1:5-8
5Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat. 6Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. 7Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong 8pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.

Mga Awit 23:1-6
1Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; 2 pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. 3 Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan. 4 Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay.  Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang. 5 Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko; sa aking ulo langis ay ibinubuhos, sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos. 6 Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay; at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.

Deuteronomio 31:8
8Si Yahweh ang mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi ka niya bibiguin o pababayaan man, kaya't huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.

Hebreo 13:5-6
5Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, "Hindi kita iiwan ni pababayaan man." 6Kaya't malakas ang loob nating masasabi, "Ang Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot.  Ano ang magagawa sa akin ng tao?"

Mga Awit 145:9
Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi.

1 Cronica 16:34
Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

Mga Awit 100:5
Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!

Santiago 1:17
Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagdudulot ng bahagya mang dilim dahil sa pagbabago.

2 Samuel 7:28
"Panginoong Yahweh, kayo'y tapat at tumutupad sa mga pangako ninyo sa akin".

Mga Awit 19:7
Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang, ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan.  Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan, nagbibigay ng talino sa payak na isipan.

Mga Awit 34:7
Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop.

Mga Awit 34:8
Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

Nahum 1:7
Si Yahweh ay napakabuti; matibay na kanlungan sa panahon ng kaguluhan.  Mga nananalig sa kanya'y kanyang inaalagaan.

Mga Awit 84:11
Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal.  Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.